Nuffnang Ad

Wednesday, March 6, 2013

Kwentong Panaderya

Eksena kaninang madaling araw habang nagiintay ng jeep papasok sa opisina:


Masarap kumain ng mainit na pandesal sa umaga lalo na kung sasabayan mo ng kape.  Yan ang nasa isip ko kanina ng ako'y mapadaan sa Princess Kulit Hot Pandesal sa Lagro.  Nagkataon kasing sa abangan ko ng jeep ang puwesto nila at nagkataong sa mga oras na iyon e medyo matumal ang biyahe kaya't may katagalan ang pagintay ng masasakyan.  

Bagamat ako'y nag almusal na, tila akong aso ni Pavlov ng matapat ako sa harap ng 24/7 na panaderyang ito at tila nananaginip na nakaupo sa aking lamesa sa opisina at ninanamnam ang mainit-init na pandesal habang humihigop ng kape.  Kulang nalang na tumulo ang aking laway sa pagnanasa!  Sa madaling salita ay di ko napigilang bumili.

Ako:  Pagbilan...
Tindera: Zzzzzzzzzz
Ako:  Pagbilan...
Tindera: Zzzzzzzz
Ako: Pagbilan %&()#$!
Tindera: Zzzzzzzz

Aba'y 24/7 nga bukas pero ang nagtitinda e tulog!  Ang saya! 

No comments:

Post a Comment